Thursday, August 27, 2015

Lovefools


Last year pa to nangyare pero sariwa pa rin sa isip ko. First day of school at first day ko bilang isang freshman sa university. Sa una nakakakaba kasi ansunget ng mga prof namin mas lalo na sa College Algebra. Pero nasanay din naman ako sa huli.
May dumating na late enrollee at pinaupo sa bakanteng upuan na nasa likuran ko. Mukha siyang Greek God ang gwapo pero sosyalin ang dating. Hindi kame para sa isat isa. Di ko aakalain na magiging close ko siya. Tuwing may vacant kame, tambay lang kame library kasi may free wifi doon eh. Tinuturuan niya ako sa Math.Nagkatitigan kame ng matagal. At bigla kong binulong sa sarile ko na nahulog na ako para sa kanya. Sinubukan kong i set aside yung nararamdaman ko para sa kanya. Ang kinagulat ko pa, umamin siya sa akin na mayron siyang feelings para sa akin. Mutual no ?
Naging kame after 3 months ng pag amin niya sa akin.
Hanggang ngayon kame pa ren.
Yang mga pangyayare na yan sariwa pa rin para sa akin.
Sa tuwing na aalala ko yang mga yan, kinikilig pa ren ako. Hehe. Share lang !! Happy 8 months sa atin Da. Mahal na mahal kita. 😍😘

Da's Ma
17, Manila